10,000 katao dinumog sina Bro. Eddie, Bangon Pilipinas bets sa Cabanatuan City; pagbabago sa ekonomiya isinulong
by ajtinsay|Apr 30, 2010|Posted in Report
CABANATUAN, Nueva Ecija – Dinumog sina Bangon
Pilipinas (BP) standard bearer Bro. Eddie Villanueva at mga senatoriables tulad
nina Alex Tinsay at Kata Inocencio dito hanggang sa kalaliman ng gabi nitong
Martes, Abril 27.
Sa kanilang pag-iikot, nakipagpulong
si Villanueva, Tinsay, Inocencio at iba pang taga-BP sa mga negosyante at
magsasaka rito upang matiyak ang pagsusulong ng seryosong pagababago sa
ekonomiya ng bansa upang maiangat ang kabuhayan ng lahat.
Inilatag din ni Villanueva ang isang
programa na makakapagbigay ng ayuda sa makabagong paraan ng pagsasaka lalun sa
lalawigan ng Nueva Ecija, na siyang itinuturing na rice granary ng bansa.
Tiniyak naman ni Tinsay ang
pagpapalawig ng “no rice import” policy ng bagong pamahalaan at pagtutuunan
niya ng pansin ang pagiging masigasig mga Pilipino sa usaping pagbabantay ng
kaligtasan sa pagkain o food security ng 90 milyong Pilipino.
Related posts:
- Bangon Pilipinas Presidentiable Bro. Eddie Villanueva, Senatoriables Alex Tinsay, Kata Inocencio barnstorms in Quezon City
- ‘Generate more employment opportunities’
- Tinsay Hinangaan sa Hot Seat
- Bangon Pilipinas Senatoriable Alex Tinsay worried about 542,000 new graduates who may be jobless this year
- Licensure Exams for Media Practitioners proposed by Alex Tinsay



There are no comments yet, add one below.
Leave a Comment